RSS

…tsinelas…

05 May

Maraming uri ng sapatos ang nagkalat sa paligid – may school shoes, rubber shoes, boots, stilettos, sandals at kung anu-ano pa.

Iba’t ibang style, iba-ibang dekorasyon. At syempre, iba-iba din ang presyo. May mura, may mahal. Ikaw, pag pumasok ka sa opisina, di ba isinusuot mo ang mamahalin mong black leather shoes (kung lalaki ka) o yung high-heeled sandals mo (kung babae ka)? Yun ang isinusuot mo dahil yun ang gusto mong ipambalandra at ipakita sa iba buong araw.

Pero at the end of the day, kapag pagod ka na sa maghapong trabaho.habang nasa biyahe ka na pauwi ng bahay.ano ba’ng tatlong bagay ang ini-imagine mo’ng gawin?

1.) Magpahinga

2.) Kumain ng hapunan at

3.) Magbihis ng damit-pambahay at magsuot ng tsinelas.

Tama, tsinelas!

Naisuot at naipagyabang mo na ang lahat ng magaganda at mamahalin mong sapatos. At maaaring marami ka na ring napahanga dahil dito. Pero sa bandang huli, kapag hindi mo na kailangang magbihis ng maganda, mag-pretend ng kahit na ano, nasa bahay na lang, walang make-up at ikaw ay ikaw na lang talaga, di ba’t ang simpleng tsinelas pa rin ang hahanap-hanapin mo? At wala ka nang pakialam kung may tatak man ito, mamahalin o may kung anu-anong burloloy.basta ang alam mo, tsinelas ang gusto mo.

Sa buhay mo, marami kang makikilalang babae at lalake. Maganda, Gwapo, Sexy (pang-FHM), Mayaman, Malakas ang dating, Hanep ang porma, lahat na. Pero sa  bandang huli, pareho nating alam na hindi yun ang pinakamahalagang ingredient ng tunay na pagmamahal.

 Kumportable ka ba sa taong ‘to? Does he/she make you feel good about yourself? May kakaiba bang ‘warmth’ na ibinibigay ang taong ‘to, na parang nagsasabi sa’yong ‘you’re home and safe at last’? Does this person make you happy? Tinatanggap ka ba niya kahit ‘pambahay’ na lang ang hitsura mo? Siya ba ang tipo ng taong alam mong makikinig kapag nire-report at ikinukwento mo na ang mga nangyari sa’yo buong araw? Think about it.

I’d be a lying asshole kapag sinabi kong aesthetics do not count. Pero ang puso, tumitibok yan sa mga di inaasahang pagkakataon. And sometimes you wonder about it, and most of the time, you even deny it. But deep down, you just know, and feel, that it’s right.

Ito ay para sa mga taong nakahanap na, at naghahanap pa rin ng tsinelas nila.

 By: Anonymous

(Note: I’ve had this since the early 2000 and I really can’t remember anymore where I got it from. I found this quite inspiring then that’s why I am now sharing this to all of you hoping you’ll also be inspired to find your own “tsinelas”. To whoever made this, kudos to you!)

Advertisements
 
1 Comment

Posted by on May 5, 2013 in Inspirational, Random Thoughts

 

Tags: , , ,

One response to “…tsinelas…

  1. PurpleDrama38

    June 14, 2013 at 12:47 pm

    Sobrang tagal ko na hinahanap to … I think this is from a movie … I’ m not sure … Nakalimutan ko na rin kung saan ko sya narinig …

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: